Tuesday, April 3, 2012

kwento ni ethan book 2


sariwa ang simoy ng hangin .. sarap talaga ng nandito sa probinsiya , walang polusyon , wala nga lang silbe ang cp kase pahirapan sa paghanap ng signal .. naku .. buti nalang nalilibang ako ng pakikinig sa ipod habang nasa duyan sa puno ng mangga malapit sa bahay ni mommy .. malapit na sana akong makatulog nang may biglang dumating na babae ..


"o boboy .. naaalala mo pa ba ako?" sabi niya ..


tinitigan ko siya at pinatay ang ipod ko .. hindi ko maalala kung sino siya kase wala akong maalala na may ganung babae na sobrang ganda dito sa probinsiya ..


"ahm sorry ah .. hmmm , di kita maalala .. sino ka ulit ?? am i supposed to know you?" sabi ko ..


"hahah .. aba !! english spokening dollar kanaah .. naku di mo na talaga ako makikilala kase hindi na ako mataba katulad noong mga bata pa tayo." sambit niya.


napabangon ako sa pagkakahiga sa duyan at naalala ko na kung sino siya ..


"jec jec biik ?? ikaw ba yan ?? waw!" gulat kong tugon .. at pinalu-palo niya ako sa balikat habang wagas akong tumatawa .. xD


"dina ako biik kaya wag mo na akong tawaging ganyan .. sa sexy kong ito .. naku ka talaga boboy .. wala ka pa ring pinagbago." salaysay niya at unti-unting naging seryoso ang muka niya ..


nagkatitigan kami ng ilang segundo hanggang sa mahiga ulit ako sa duyan at tumingin sa mga dahon ng puno ..


"marami na akong pinagbago." buntong hininga ko ..


"sabagay malinis ka ng tingnan .. di kana yung musmusing bata na kalaro ko dati at kasama ko dito sa manggahan." at nagtawanan kami habang nagkukwentuhan at sinasariwa aming nakaraan .. hanggang sa dumating si mang karding ..


"boboy !! boboy!" sigaw niya habang palapit saamin ..


"oh bakit po?" tanung ko ..


"ahh yung ano lola mo." hinihingal niyang sagot ..


"anong nangyari kay mommy?" at napatayo ako sa pagaalala ..


"hindi na siya gumigising .. at parang hindi na din siya humihinga .. tinawag n si mamang kiko pero wala pa rin." paliwanag niya habang mabilis kaming naglalakad pauwi ..


"si mamang kiko ?? yung faith healer ?? bakit siya ang tinawag niyo ?? dapat tumawag kayo nang doctor." sabi ko ..


pero malayo ang bayan baka matagalan pang makarating dito ang doctor." sagot niya ..


"wala bang malapit na doctor dito?" tanung ko ..


at bigla akong napatigil pakarating ko sa may pinto ng bahay .. madami nang tao sa labas .. gusto nang tumulo nang luha ko pero pinigilan ko ..


"paraanin niyo ako at papasok ako!" sigaw ko habang nakikipagsiksikan sa mga nandun ..


pagkapasok ko , dahan-dahan akong lumapit sa kama ni mommy .. pero bago pa ako makalapit ng husto , may tumapik sa balikat ko ..


"nakikiramay ako."


ha ?? ano ?? nakikiramay ?? hindi pwede toh .. hindi pa patay si mommy !! pilit kong pangungumbinsi sa sarili ko .. pero pagkalapit ko , tinitigan ko siya hanggang sa napatulo na lang ang luha ko .. ndi na siya humihinga .. wala na din siyang pulso at pati puso niya , di na tumitibok ..


74 years old na si lola kaya di na daw nakapagtataka kung tuluyan na siyang namahinga .. at lagi niya din sakin sinasabi na anumang oras daw mangyayari ito kaya ako na daw ang bahala sa lahat .. sa mga aso niya , sa bahay , at sa maisan .. kahit pabiro niya lang iyong sinasabi ,lagi kong sinasabi na wag siyang magsalita ng ganun kase malakas pa siya at kelangan niya pang maabutan ang mga magiging anak ko .. patuloy na tumulo luha ko habang niyayakap ko siya at naiisip mga nagdaan ..


ibinurol si mommy ng 5 gabi pero kahit isang beses di ko siya sinilip .. nagkulong ako sa kwarto ko .. sa sobrang sakit parang di ko kayang makita siya na nasa kabaong .. di ko alam kung pano pa ako babangon araw-araw ngayong alam kong wala na siya .. hanggang sa dumating ang araw na ililibing na siya .. pinilit kong ayusin ang sarili ko ..


tahimik ako mula ng iparada kabaong ni mommy mula sa bahay papuntang simbahan .. di din ako nakapagspeech pakatapos ng simba .. pasimpleng tumutulo ang luha ko .. di ko mapigilan eh .. nang ihahatid na namin siya sa huling hantungan , pinilit kong tingnan siya sa kabaong sa huling pagkakataon .. napapikit na lang ako habang patuloy na dumadaloy ang luha mula saking mga mata .. nakapagpaalam kami lahat sakaniya ng maayos .. gumaan din kahit papano ang nararamdaman kong hinagpis ..


sa araw-araw na dumadaan umaayos na din kahit papano ang pakiramdam ko .. katulad ng bilin niya , ako ang umaasikaso ng lahat .. ginagawa ko lahat ng makakaya ko para mapanatiling maayos ang mga iniwan ni mommy .. di na din ako bumalik sa pagaaral ko para maituon ko ang buong atensiyon ko sa pagaalaga sa alaala ng pinakamamahal kong lola ..


ilang buwan ang nakalipas at naging masaya na din ako .. natanggap ko na nang lubusan kung ano man ang nangyari .. just like what they say , life must go on ..


"boy!" sigaw ni jun .. kabigan kong kakambal si jec.


"oh jun , musta na?" nakangiti kong bati sakaniya ..


"eto gagraduate na ng highschool .. ikaw ?? graduate ka na di ba?"
"oo nung isang taon lang .. ahm edi may kainan at inuman niyan sainyo?"
"kaya nga ako pumunta dito para imbitahan ka samin mamaya eh."
"osige pupunta ako .. magdadala na din ako ng alak para walang mabitin satin." sabi ko sabay tawa ..


kinagabihan , nakarating na ako sakanila .. sinalubong ako ng mga tropa at kababata ko na rin .. masaya kaming nagkainan tapos kantahan bago maginuman .. parang di maubusan ng alak ang gabing yon .. hanggang sa magkalasingan na at isa isa nang nagsipaguwian na sa kanikanilang mga bahay .. heheh .. pero ako nagpaiwan muna ..


syempre tinulungan ko muna magligpit ng mga kalat sina jec at jun .. at pinagmamasdan na din sila .. kahit kase magkakambal sila , masyado silang magkaiba ..


si jun ay kilalang astig at pasaway .. samantalang si jec , saksakan ng kahinhinan at kabaitan .. mas nauna din ng isang taon sa pagaaral si jec kesa sa kakambal niya .. ilang babae na din ang nadisgrasiya ni jun , buti na lang nalulusutan .. heheh .. kabaliktaran naman nito ang kay jec .. kase napakamailap sa mga lalake , ako lang ata ang naging kaibigan niyang lalake eh ..


pagkatapos naming maglinis , medyo nawala na din amats ko ..


"uwi na ako jun , jec." pagpapaalam ko ..


"mamaya na boy .. lika muna .. marunong ka bang magitara?" tanong ni jun ..


"ahh medyo lang eh." paupo kong tugon habang kinuha yung gitara ..


"oi jec , lika nga dito at ikaw singer namin." utos ni jun kay jec ..


" marunong ka palang kumanta?" tanong ko paglapit ni jec ..


"oo naman .. kasali kaya ako sa choir ng simbahan." pagmamayabang niya ..


"aba .. cge nga sampolan mo ko nyan." at sinimulan ko ng tumugtug .. ako ang nagumpisa nang kanta at siya na lang ang magpapatuloy .. kahit di kagandahan boses ko ,


"ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin .. ikaw na." sabay tingin kay jec ..


"at sinabi mong , ang pagibig mo'y di magbabago ngunit bakit sa twing ako'y lumalapit ika'y lumalayo."


napatigil ako sa pagtugtug dahil natutulala ako sakaniya sa sobrang ganda ng boses niya >.<


pero pinagpatuloy niya pa rin yung kanta kahit huminto na ako sa pagtugtug .. at kumakanta siya habang nakatingin saakin .. tila ba , saakin niya inaalay ang kanta ..


"puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba .. hmmmmm , di ba nila alam tayo'y may sumpaan .. na ako'y sayo at ika'y akin lamang."


"wow!" yan lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko pagkatapos niyang kumanta ..


"oh di ba sabi ko sayo maganda boses ko." sabay halakhakan sa buong paligid .. napakamot na lang ako sa ulo ..


nagpatuloy ang kantahan at tugtugan namin hanggang abutan kami ng bukang liwayway ..


"oh umaaraw na , uwi na po ako .. antok na din eh."
"geh ingat ka boy."
"ihatid na kita." biglang sabi ni jec ..


pakahatid sakin ni jec saamin , inanyayahan ko muna siya na kumain sa loob bilang pasasalamat ..


"cge ba .. ano ba pagkain niyo jan?" sabi niya habang papasok saamin ..


"ano ba gusto mo ?? at ipapaluto natin kay manang."
"naku .. wag na nga .. mangaabala ka pa .. hmmm , turuan mo na lang ako maggitara .. may gitara ka ba dito?"
"cge nasa taas yung gitara eh."
"edi akyat na tayo dali." at hinatak niya ako paakyat sa kwarto ko ..


naupo kami sa gilid ng kama .. hawak niya ang gitara habang nasa left side niya ako .. ginaguide ng kaliwa kong kamay ang kaliwa niyang kamay para sa chords at tabs .. samantalang bahagyang nakaakbay ang kanang parte ko na iginaguide ang kanang kamay niya sa strumming at plucking ng strings .. tinuturo ko sakaniya lahat ng basic chords , hanggang sa mapatingin ako sakaniya na nakatitig saakin ..


"nakikinig ka ba?" tanong ko ..


hindi siya sumagot .. magkalapit ang mga muka namin , di ko alam pero bigla ko na lang siyang hinalikan .. tumagal lang yun ng 5segundo bigla kaseng umatras siya ..


"i'm sorry .. dq alam kung bakit ko yun ginawa." sabi ko sabay kinuha ang gitara ..


"hindi mo alam kung bakit mo yun ginawa?" halos maluha luha niyang tugon at tumayo siya ..


"jec?" hinawakan ko braso niya ..


"aalis na ako .. salamat na lang." di ko na siya pinigilan ..


pakaalis niya ng kwarto , humiga ako sa kama .. shet .. what have i done ?? nadala na naman ako ng sumisidhing damdamin .. toinkx .. at sa sobra kong pagiisip , nakatulog na lang ako ..


ilang araw ang lumipas na hindi ko nakita si jec .. hanggang umabot ito sa linggo at buwan .. hinahanap hanap siya ng mga mata ko .. hanggang sa dumating ang araw na nasa maisan ako nagiisip ..


"siguro makikita ko naman siya sa fiesta .. sana nga." sabay pikit ng aking mga mata na wari'y nagpapanalangin ..


"ethan?" may narinig akong tinig .. at syempre idinilat ko mga mata ko para makita ko kung sino yun .. heheh ..


"noemi ?? anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat kong tanong ..


"gusto lang kitang makita .. kamusta ka na?"
"ahm ok lang naman .. ikaw ?? ano balita sainyo?"
"ok lang ako .. gusto ko lang ipaalam sayo na malusog ang anak mo .. birthday niya last week."
"ha ?? anong anak?"
"anak mo kay jane."
"what ?! you gotta be kidding."
"no ethan."


wtf .. ama na ako ?? pakatapos sabihin yun ni noemi , nagkaron ng ilang minutong katahimikan .. natuliro ako .. hindi makapaniwala sa narinig .. hanggang sa hawakan niya ang mga kamay ko ..


"ethan , wag kang mabigla .. tanggapin mo na."
"di ko alam kung kaya kong tanggapin yun."
"tanggapin mo nang nagjojoke lang ako."
"dq nga . . . what ? ! ! wtf naman noemi .. pinakaba mo ko."
"hahahahah .. takot ka naman."
"sino ba ang hindi ?? loko ka din .. whew .. btw , kamusta na kayo ni darren?"
(nawala ngiti sa muka)
"is there something wrong?"
"walang kami."
"wala na naman kayo?"
"hindi kami nagkabalikan."
"pero akala ko ba . . . "
"akala ko din eh .. pero ilusyon ko lang pala yun."
"i'm sorry."
"kung inamin mo lang noon na mahal mo ako , di ako masasaktan ng ganito ethan , ethan , ethan , ethan . . . . . .
ethan ethan gising na ethan." at nagising ako mula sa isang panaginip ..


pagmulat ko nang aking mga mata , si mama ang una kong nakita ..


"ma ?? anong ginagawa niyo po dito?"
"gusto lang kitang bisitahin .. kamusta ka naman dito ?? kanina ka pa daw tulog kaya ginising na kita at mabig ---"
bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin , niyakap ko siya .. nagkwentuhan kami at nagkamustahan hanggang sa umabot ang pinaguusapan namin sa nalalapit na fiesta ..


"malapit na pala fiesta dito .. may napili ka na bang partner mo ethan sa opening ball?"
"ha ?? ahh ehh wala pa po eh .. kelangan ko pa bang pumunta ma?"
"oo naman .. bakit hindi na lang yung kababata mong si jecjec ang ipartner mo?"
"baka di pumayag yun .. lam mo namang napakamanang nun."
"sinong manang?!" sigaw nang isang babae na kilalang kilala ko ang boses .. kaya nilingon ko siya agad ..


at katulad ng hinala ko , si jec nga iyon .. kasama niya si jun na may dalang inihaw na mais ..


"ah wala yun .. ohh wow !! pahingi naman niyang dala niyo." sambit ko habang papalapit sakanila ..


"hindi toh para sayo .. para sa nanay mo ito." sabay nilayo niya ang hawak niya ..


"andamot mo naman .. penge lang isa." pangungulit ko pero tinapi niya ang mga kamay ko ..


"tama na nga yan ethan .. hmmm , tamang tama ang dating mo jec .. pinaguusapan lang namin ang darating na opening ball sa nalalapit na fiesta , gusto ka sanang gawing partner nitong anak ko .. pwd ka ba?" sabi ni mama ..


bigla kaming napatingin kay mama ..


"ha?!" sabay naming sabi .. tapos nagkatinginan ng di inaasahan ..


"ma!" sabi ko sabay hatak kay mama palayo kina jec ..


"what ?? wala namang masama dun ethan .. it's just a ball." tugon niya ..


"but ma ---" di ko na napagpatuloy ang sasabihin ko kase tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko ..


"do it for me .. please?" sabi niya .. napakunot noo na lang ako ..


"bakit pa ma?" tanong ko ..


"because you need this ." sabi niya at hinawakan ang balikat ko ..


"for what?" at tinitigan ko si mama ..


"to move on .. kalimutan mo na si angel anak." napayuko na lang ako sa sinabi niyang yun .. she tapped my shoulder to show it's ok at lumapit siya kay jec ..


pumunta ako sa balconahe .. tumingin sa paligid .. natutulala pa rin ako pag naiisip ko si angel .. sa sobrang pagwowonder ko sa kawalan , di ko napansing may tumabi pala saakin hanggang sa magsalita siya ..


"long time no see  pala."
"ahh ehh heheh oo nga .. ahm tungkol sa nangyari nung ---"
"wag mo nang isipin yun .. ok na."
"hmmm , cge .. ahh yung sa ahm sa ball .. si mama talaga may gusto nun hindi naman talaga ako .. kaya ok lang kung ayaw mo."
"first kiss ko yun."
"ha?"
"ikaw first kiss ko boboy."
"ahh ganun ba ?? di ko alam sasabihin ko." sabay kamot sa ulo ..


tumawa lang siya .. pakatingin ko sakaniya tumigil siya sa pagtawa ..


"ok .. heheh .. ethan pala tunay mong pangalan .. parang anlayo naman sa boboy." sabi niya ..


nginitian ko na lang siya at tumingin sa malayo .. natahimik siya tila ba hinihintay niya ang isasagot ko .. kaya sinagot ko na para mabasag katahimikan .. :)


"noong bata pa kase ako lagi na akong gala kahit noong di pa kita kilala .. daig ko pa daw ang palaboy .. ako rin lang ang natatanging lalake na bata noon kaya tinawag nila akong boy palaboy .. na kalaunan naging boboy .. hmmmm , at lapitin din ako ng mga baboy .. BABOY." talagang pinagdiinan ko sakaniya ang baboy kase tabatabachingching siya nung mga bata pa kami .. ayun , pinalu-palo niya ako habang tumatawa ako ng wagas na wagas .. whahahah ..


"hahah .. tama na tama na .. nagbibiro lang eh .. hehe." kaya tumigil naman siya ..


"alis na nga ako."
"oi napakasensitive masyado?"
"sunduin mo ako sa bahay ng alas siete ng gabi para sa ball .. wag mo akong paghihintayin!" sabi niya bago siya tuluyang umalis ..


mabilis na nagdaan ang mga araw .. OPENING BALL NA !!


madami na akong ball na napuntahan pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito .. parang first time ko ulit .. at naalala ko yung huling ball na pinuntahan ko na naging dahilan ng panghihina ko dahil sa kaba .. yung pakiramdam na ayaw ko nang tumayo sa kinauupuan ko .. >.< ..


"hoy ethan magaalas siete na .. nakabihis na si jec .. halika na at ako ang inutusang maghahatid sainyo." pagaalok ni manong sa kalesa niya ..


pakarating namin kina jec , sinalubong ako ni jun ..


"ingatan mo kapatid ko ah." ngumiti na lang ako bilang tugon ..


pagtingin ko sa pintuan nila , bumungad sakin ang kagandahan ni jec .. nakafitted na tube na diretso nang naging dress ..


pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa habang papalapit saakin ..


"tara na." aya niya .. di ako nakapagsalita kaya ngumiti na lang at inalalayan siya pasakay sa kalesa na service namain .. heheh ..


nagtitinginan ang lahat ng dinadaanan namin .. parang nakaspot light kay jec ang lahat ng mga mata .. kahit yung akin .. xD


"ang ganda mo sa suot mong yan jec."
"jenny na lang itawag mo sakin ngayong gabi."
"jenny ang tunay mong pangalan"
"obvious ba?"
"hahahah .. naging jec ang palayaw mo kase jenny na biik?"
"eeeeeh nangaasar ka na naman .. hmmmm."
"joke lang .. wag ka na sumimangot at andito na tayo .. smile lang .. sayang ng suot mo :)"


nagsisimula na ang ball pakarating namin ..


karaniwan sa mga ball na napupuntahan ko , una may program sunod ang kainan tsaka ang walang humpay na sayawan tapos program ulit .. kaya nagtataka ako sa ball na ito ..


may nagpapalaro pagdating namin .. kasabay nun ang kaliwa't kanang kainan at inuman .. wala pa namang nagsasayawan sa gitna pero parang ang gulo ng buong lugar .. ngunit subalit datapwat , masaya at kuntento silang lahat at kitang kita sa mga muka nila ang saya ..


nakisalo kami sa grupo ng kabataan na nagiinuman .. kaya di napigilan ang magkaayaan .. nang maubos na ang alak na kanilang binili , walang humpay na kwentuhan at katuwaan ang amin namang pinagsaluhan na pinutol nang may nagsalita sa stage ..


"ngayon na po ang tamang oras para parangalan natin ang hari at reyna ng gabing ito." tila natigil lahat ng ginagawa ng mga tao dun at lahat sila nakinig sa tagapagsalita ..


"ang hari at reyna ngayong gabi ay sina TANTADADAN ethan villareal at danica cruz!" at nagpalakpakan ang lahat ..


hala .. ako ang nanalo ?? eh bakit hindi jenny flores ang binanggit na reyna ??


"oi ethan pumunta ka na dun .. kaw ang nanalo oh." sabi ni jec sakin ..


"eh bakit iba yung sinabi ng emcee na reyna ?? di naman yun ang pangalan mo." sabi ko ..


"baliw ka .. hindi ako ang nanalo .. ibang babae yun .. kaya umakyat ka na sa stage!" patulak niyang bulyaw saakin ..


gulat pa din at hindi alam ang nangyayari , umakyat ako sa stage ..


"ahm sino yung danica?" bulong ko sa tagapagsalita pero di niya ako pinansin .. >.< .. di niya ata narinig yung sinabi ko dahil sa sobrang ingay ng audience ..


"ipinapakilala ko po ulit sainyo ang hari at reyna ngayong gabi , si ethan at danica!" napatingin ako kay jec sa may baba ng stage , sana siya na lang ang reyna ko .. at nang mas lumakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao , napatingin ako sa kabilang banda ng stage .. nakangiti siyang kumakaway sa lahat .. para bang nanalo sa kung anong pacontest .. maganda naman siya , pero mas maganda pa rin sa paningin ko si jec ..


pakalapit niya sakin agad siyang kumapit at dumikit saakin ..


"ngumiti ka sakanila at kumaway." sabi niya .. ako naman na hindi pa din maintindihan kung bakit yun nangyayari , eh sinunod ang pinapagawa niya kahit muka akong tanga ng mga sandaling yun hanggang sa biglang magpatugtug ng 'DESTINY' hudyat na kelangan naming magsayaw ng traditional na king and queen's first dance kaya sa unang pagkakataon din , nagtagpo ang aming mga mata ..


"marunong ka bang sumayaw?" tanong niya sakin ..


"try me." panghahamon kong sagot .. heheh ..


sumayaw kami ng buong gabi .. slow and fast .. nagkasama ang tropa niya at ang akin .. inabot kami ng madaling araw nun .. hilong hilo na ako .. >.< .. pero kinakaya pa naman ..


pagkatapos , hinatid ko na si jec at danica .. una kong hinatid si jec .. mas malapit kase bahay nila .. tapos si danica naman ..


pakarating namin sakanila , nagiinuman pa ang inabutan ..


"geh mauna na ako .. salamat ah." paalam ko sakaniya habang mukang babagsak na sa sobrang pagkahilo ..


"oi nica , pakilala mo naman saamin yang kasama mo!" sigaw ng isang lalake na naginom dun .. bigla naman akong hinatak ni babae papunta sa grupo ng matatandang nagiinom ..


"tay , siya nga pala si ethan .. kaming dalawa ang nanalo dun sa sayawan bilang hari ng reyna ng gabi .. oh di ba bongga." pagpapakilala niya saakin .. at siyempre di na naman naiwasan na maalok sa inuman .. kaya kahit may amats na ako , di na ako nakatanggi pa hanggang sa malasing na ako ng tuluyan ..


kinaumagahan , nagising ako na nasa isang kwarto .. masakit ang ulo na parang ayoko pang imulat mga mata ko pero mataas na ang sikat ng araw at tumatagaktak na ang pawis sa buong katawan ko kaya pinilit kong imulat ito .. pagkadilat ko , nagulantang ako sa hubad na katotohanan .. whew .. at katabi ko pa si danica na wala ding kasaplot saplot .. wtf , anong nangyari kagabi ?!


"danica danica gising."
"oh bakit ?? antok pa ako eh."
"anong nangyari ?? bakit pareho tayong walang damit ?? nasan damit natin?"
"baka nasa baba ng kama .. hmmm , di mo maalala kung anong nangyari ?? eh ang galing mo nga kagabi." patawa niyang sabi habang pinapanuod na nagmamadali akong nagbibihis ..


"what ?? kung ano man ang nangyari , isa yung malaking pagkakamali .. i gotta go." sabi ko at naglakad papalabas ng kwarto ..


"ethan !! teka!" pinigilan niya ako pero dirediretso pa din ako .. pero bago pa ako makalabas ng bahay nila , nakita ko si jun at jec na nakaabang ..


"oh ano ginagawa niyo dito?" malumanay akong naglakad palapit sakanila ..


"hindi ka daw umuwi sainyo .. akala ko kung napano ka na kaya nagbakasakali kaming andito ka , at andito ka nga." sagot ni jec ..


"ethan , sandali lang!" sigaw ni danica habang tumatakbo palapit saakin na halos di pa nasusuot ng maayos ang damit niya .. sabay yakap saakin ..


"nagenjoy at ginusto ko kung ano man ang nangyari kagabi." sabi nya .. di ako sumagot .. tinanggal ko ang mga kamay niyang nakayakap sakin at bigla na lang may kumabig saakin ..


"gago ka!"


*paaaaaak*


sinuntok ako ni jun ..


"teka bakit?" tanong ko sakniya pero di siya sumagot .. umiling iling na lang siya tsaka umalis ng tuluyan .. kaya hinarap ko si danica ..


"wala akong maalala sa nangyari satin .. kung ano man yun .. sorry pero wala akong nararamdaman para sayo." at umalis na din ako ..


pakauwi ko sa bahay , pinilit kong hindi isipin ang nangyari .. ipinikit ko mga mata ko at natulog .. kinabukasan na ako nagising ..


parang normal lang ang lahat sa paligid ko .. dumaan ang 9 araw na ganon lang ang nangyayari saakin .. pero sa ika sampung araw tila may nagbago .. biglang naging malungkot ang lahat , di ko alam kung bakit at kung ano ang meron .. pupunta na ako sa maisan ng may duamting na di ko inaasahan ..


"bakit gulat na gulat kang makita ako?"
"ahh di ko lang ineexpect na ano pupunta ka dito jec."
"mahal kita boboy."
"ma-hal ?? mahal mo ako?"
"oo."
"di ko alam kung mahal din kita."
"kaya mo bang matutuhang mahalin ako?"
"hindi ka naman mahirap mahalin eh." at niyakap niya ako ..


"sapat na yun .. mahal kita , di ko alam kung pano ang bukas ko kapag may iba ka na .. handa akong ibigay sayo lahat .. lahat lahat ng saakin." hinalikan niya ako at ang sensasyong nabubuo ay napunta sa kwarto ko ..


naghubad siya sa harap ko .. tulala akong pinagmamasdan siya .. di ko inaakalang magagawa niya yun .. pagkatapos niya , ako naman ang hinubaran niya .. at pinahiga ako tsaka siya pumatong sa pwestong isinubo niya ang akin habang ako naman ay sakaniya nakatuon .. tumagal ng ilang minuto ang tagpong yun hanggang sa umangat siya at bumangon ..


walang salita o kahit mahinang ungol man lang ang lumalabas sa bibig niya ..


ipinasok niya ang akin sakaniya at tsaka yumugyug .. napapapikit ako sa saraaaaaap pero siya wala lang .. ako ang una niya pero ni walang aray man lang .. :o


habang tumatagal ay mas lalo siyang bumibilis sa pagbaonhugot at nararamdaman ko rin ang lumalalang panggigigil niya .. whew .. isinasagad at hinuhugot ng bahagya .. parang hindi siya napapagod sa mahigit 2 oras na ginagawa niya .. di din nagtagal rumaos na .. pagkatapos ay tumabi siya sakin at niyakap ako ..


nakatulog ako ng ilang minuto afterwards .. na naputol nang dahil sa may kumakatok sa pinto ..


"sino yan?" tanong ko habang nagbibihis ..


"ayy koya , may tomatawag ho sa tilipono hanap kayo." sabi ni manang ..


"ahh sige susunod ako." sagot ko .. mahimbing ang tulog ni jec kaya hinalikan ko siya sa noo at bumulong ..


"saglit lang ahh .. babalik ako agad."


pakasagot ko ng telepono , nalaman kong si jun pala yung tumawag ..


"oh jun."
"punta ka dito sa bahay boy."
"ahh cge ba .. isama ko na din kambal mo .. nandito kase siya."
"ha ?? anong pinagsasabi mo ?? pano siya mapupunta diyan eh nakaburol siya dito .. last night niya ngayon kaya nga pinapapunta kita dito eh."
"ano?!" agad kong binaba ang telepono at tumakbo pabalik sa kwarto .. pakabukas ko ng pinto ,lumakas ang kabog ng dibdib ko ..


wala na siya dun .. lumapit ako sa kama kung saan ko siya iniwan kanikanina lang nang biglang bianlot ako ng malamig na hangin .. malalim ang bawat hininga ko .. pakalipas ng ilang segundong pagkatuliro , gumayak ako palabas at agad na pumunta sa bahay nila jec ..


maraming tao .. at sinalubong ako ni jun ..


"anong sinasabi mo kanina ?? nandun si jec?" bungad ni jun pero di ko siya pinansin .. dumiretso ako sa kabaong para tingnan kung si jec nga yun .. hinihingal at maluhaluha pa ako pakakita ko sakaniya ..siya nga talaga .. nakangiti at parang masayang natutulog katulad kung pano ko siya iniwan sa kwarto ko ..


"bakit ?? bakit jec?"
"salamat ah .. mahal kase kita." may hanging biglang bumulong saakin ..


umiyak ako ng umiyak .. hanggang sa may iabot na sulat saakin si jun .. galing daw yun kay jec .. huling sulat niya na iniaalay para saakin ..


"boy , ai ethan pala .. salamat sa pagiging mabuting kaibigan mo sakin .. matagal ko nang itinatago na mahal kita .. higit pa sa isang kaibigan .. alam kong kahibangan pero di ko kinaya na malamang inaangkin ka ng iba at nakasiping mo pa .. kaya siguro habang binabasa mo ito , nakaburol na ako .. mahal kita ethan .. magiingat ka lagi .. sana mahanap mo ang magpapasaya sa buhay mo .. nagmamahal , jenny"


pagkatapos mailibing ni jec , umalis ako ng probinsiya .. umuwi ako sa puder ni mama .. alam kong dun ko lang mahahanap ang taong tunay na magpapasaya saakin , si angel ..


alam ko pagbalik ko dun , iba na .. di na katulad ng dati pero handa akong harapin kung ano man ang aabutan ko ..


wala akong plano kung ano ang gagawin ko dun basta ang alam ko lang , gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko ..

continue to book 3

No comments:

Post a Comment